Wikang Filipino

on Saturday, May 7, 2011


1) Ano ang kahulugan ng wika ayon sa iba't ibang tao?

Ayon kay Henry Allan Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon sa isang pilosopong Ingles na si John Locke, ang wika ay arbitaryong walang kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pagiisip ng tao.

Ayon kay Sapiro, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.

2) Ipaliwanag ang iba't ibang teorya o paniniwala hinggil sa wika.


Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.

Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.

Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.

Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo.

Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

Genesis 11: 1-9 –Tore ni Babel.

Wikang Aramean –Naniniwalang galling sa kanila ang ibang wika, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.


Istrukturalismo- maayos na istruktura ng mga salita.

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog, kaya't may ibig sabihing "mga taong naninirahan sa tabi ng ilog."

3) Alamin ang katangian ng wikang Filipino.

a.Salitang-ugat-Sa Filipino,kadalasang ang mga salitang ugat ay binubuo ng payak at dadalawahing pantig,

Halimbawa: basag,saka,aral

b. Inuulit - inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito. May dalawang uri ng pag-uulit:

1. pag-uulit na ganap - inuulit ang salitang-ugat
halimbawa: gabi-gabi tayu-tayo

2. pag-uulit na di-ganap - inuulit lamang ang bahagi ng salita.
Halimbawa: aawit uusok tatakbo

c. Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.
Halimbawa:
unlapi - umalis
gitlapi – sinulat

hulapi - alisin
kabilaan - nagtalunan

d. Tambalan - dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
Halimbawa:
asal+hayop = asal-hayop

bahag+hari = bahaghari
hampas+lupa = hampaslupa
silid+tulugan = silid-tulugan

4) Ibigay ang kaibahan ng Tagalog, Pilipino at Filipino.

Tagalog

Noong Nobyembre 13,1936,ang Surian ng Wikang Pambansa ay pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa dahil

  1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
  2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
  3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
  4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
  5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas

Pilipino

Noong 1959, pinakilala ni Jose Romero ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog.

Filipino

Ayon sa Saligambatas ng 1987,Artikulo XIV,Sek.6,ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Isa itong wikang Awstronesyo at sa katotohanan na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, sa prinsipyo itong iba rito. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral ng mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika




2 comments:

suaramirza said...

Ang Wikang Tagalog ay madali matutunan dahil >> http://tunogngtagalog.blogspot.com/2013/10/magkatulad-ang-mga-wika-tagalog-at.html

suaramirza said...

Ako na Jakarta,Indonesia at gustuhin nag-aaral mga wika na Pinas. Ito ang aking akun sa twitter @Badan_Besar ,origin pangalan ko ay Muhammad Mirza,ngunit sa social media,gusto kong mag-anonin na lang,kasi mundo ng social media ay mas mapanginib :) at aking bagong blog sa wordpress https://perahucadik.wordpress.com

Post a Comment